Commission on Human Rights, nanawagan na isapubliko ng Philippine National Police ang audit ng mga kulungan sa bansa

Manila, Philippines – Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pamunuan ng Philippine National Police na isapubliko ang Audit ng mga kulungan sa bansa.

Kasunod ito ng utos ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na magsagawa ng audit mga selda matapos madiskubre ng CHR ang “secret jail” sa Manila Police District (MPD) station 1 sa Tondo, Maynila kung saan nakakulong ang labing isang katao.

Ayon sa PNP Chief, nagsagawa na sila ng audit at napag-alaman nilang wala nang iba pang secret jail sa bansa.


Dahil dito, hinamon ni Human Rights Chairman Chito Gascon ang PNP Chief na ilabas ang audit para kanilang ma-counter check.

Kasabay nito, nanawagan si Gascon na dapat payagan ang CHR at iba pang mga interesadong Non-government Organization na magkapagsagawa ng Independent Audit sa mga kulungan sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments