Commission para sa mga OFW, sinisilip na alternatibo sa Dept. of OFW

Pinag-aaralan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na bumuo na lamang ng commission, sa halip na hiwalay na departamento na nakatuon sa interest at proteksyon ng mga OFW.

Matatandaang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maitatag ang Department of OFW sa Disyembre para ang gobyerno na mismo ang mangangasiwa ng recruitment process.

Para kay Bello – hindi naman kailangan na magkaroon ng department para rito, pero handa naman silang sumunod sa sinabi ng Pangulo.


Inatasan na niya ang senior labor officials na bumuo ng draft para sa panukalang Department of OFW na layong pag-isahin ang function ng POEA, OWWA, National Reintegration Center for OFWs at International Labor Affairs Bureau.

Facebook Comments