Batang nasawi sa Rodriguez buy-bust, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay – PNP autopsy

44

Nagtamo ng tama ng bala ang tatlong taong gulang na batang babae na nasawi sa buy-bust operation ng pulisya sa Rodriguez, Rizal noong June 29.


Ayon kay PNP-Crime Laboratory Brigadier General Rolando Hinanay – lumalabas sa awtopsiya ng pulisya na pumasok ang bala sa batok ni Myca Ulpina at lumabas sa tenga.

Kung pataas man anya o pababa ang pasok ng bala ay nakadepende ito sa posisyon ng bata at posisyon ng nakabaril.

Nagtamo rin ng gunshot wounds ang bata sa kanyang mga kamay at paa.

Sa ngayon, hindi pa rin nila matukoy kung sino ang nakabaril sa bata dahil walang metal fragments o bahagi ng bala na nakuha sa katawan nito.

Facebook Comments