Itinalaga ng malakanyang si Commissioner Alfredo Non bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Energy Regulatory Commission o ERC.

94

Manila, Philippines – Itinalaga ng malakanyang si Commissioner Alfredo Non bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Energy Regulatory Commission o ERC.

Ito’y matapos suspendihin ng siyamnapung (90) araw si ERC Chairman Jose Vicente Salazar.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, itinalaga si Non matapos ang rekomendasyon ng apat na ERC commissioners.

Si Salazar ay sinuspinde batay sa reklamong serious dishonesty at grave misconduct.

Una nang nag pulong ang apat na commissioners ng ERC parap pag pasyahan kung sino ang tatayong OIC ng komisyon.

Facebook Comments