PNP, balak na mag-invest sa mga matataas na kalibre ng baril

98

Manila, Philippines – Balak ni Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na hikayatin si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-invest sa mga matataas na kalibre ng baril para sapulisya.

Ito’y matapos personal na subukan ni Dela Rosa ang ilang high-grade firearms sa ikalawang “Bato Cup” sa Lipa City, Batangas nitong Miyerkules.

Ayon kay Dela Rosa, very good pero may kamahalan nga lang ang equipment pero kung mabili ito ay advantage ito sa pamahalan.

Sinabi naman ni Udi Lowy, marketing staff ng smart shooter LTD,isa ang Pilipinas sa mga bansang unang nakasubok sa mga armas na mula pa sa Israel.

Paliwanag ni Dela Rosa, kung sakaling maaprubahan ang pondo parasa mga baril, una itong ipamamahagi sa elite forces gaya ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Special Action Force Units.

Sa kabila nito, sinabi ni Dela Rosa na top priority pa rin ng PNP ang pagsasaayos at pagdagdag ng detention cells.

Facebook Comments