Manila, Philippines – May mga impormasyong hawak si Senator Antonio Trillanes IV na magpapatunay na si Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang totoong nasa gitna ng kontrobersyang kinakaharap ngayon ng ahensya.
Ito ay makaraang makalusot sa Bureau of Customs ang 6.4 billion pesos na halaga ng shabu galing sa China.
Bunsod nito ay umaasa si Trillanes na kapag natapos na ang pagsasakit sakitan ni Faeldon ay magkakaroon na ito ng lakas ng loob na harapin ang paggisa sa kanya ng mga senador at kongresista.
Kasabay nito ay kinumpima din ni Trillanes na hindi nga miyembro ng Magdalo Group si Faeldon, gayundin sina Depcom Gerry Gambala at Dir. Milo Maestrecampo.
Samantala, bilang mga kaklase niya sa Philippine Military Academy ay ginagarantiyahan ni Trillanes na sina Gambala at Maestrecampo ay hindi parte ng sindikato na nag-asikaso ng pagpasok sa bansa ng nabanggit na 604 kilos ng shabu.
Ayon kay Trillanes, patunay ng pagiging inosente nina Gambala at Maestrecampo ang matapang na pagharap ng mga ito sa lahat ng pagdinig ng Senado at Kamara.