Committee on Trade and Commerce, nananawagan kay Pangulong Duterte na ideklara ang giyera kontra investment scam

Sa Cagayan De Oro, nananawagan ngayon ang committee on trade and commerce ng Cagayan De Oro City council kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang giyera kontra investment scam sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng isang resolusyon na inaprobahan ng naturang Committee ni City Councilor George Goking kahapon.

Ayon kay Goking na layon nitong mahinto na ang naturang scam kung saan kabilang sa naging biktima ay mga estudyante.


Inihayag naman ni Securities and Exchange Commission Regioanl Director Renato Egypto na nadamay na rin ang pangalan ni Pangulong Duterte sa money investment scam ng grupong kapa o kabus padatoon dahil nakapost umano sa facebook ng kapa na sinuportahan sila ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments