Committee report hinggil sa panulakang Tax Reform Package, ilalabas na ngayong linggo

Manila, Philippines – Puspusan ng nirerepaso ng Senate Committee on Ways and Means ang panulakang Tax Reform Package.

Ayon kay Sen. Sonny Angara na chairman ng komite, ilalabas na nila sa mga susunod na araw ang kanilang committee report hinggil rito.

Aniya, kailangan pa kasi nilang pag-aralang mabuti kung ano ang magiging epektibo at makatarungang reporma sa buwis.


Sinabi rin ni Angara na mistulang doble ang magiging pambawi ng pamahalaan sa planong pagpapababa ng buwis na binabayaran ng mga manggagawa.

Lalo’t ang magiging kapalit nito ay ang pagpapataw ng excise tax sa gasolina at diesel at sa mga inuming may sangkap na asukal.

Facebook Comments