Committee report na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, inaprubahan sa komite

Inaprubahan ng Committe on Justice ang committee report at resolution na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Sa botong 21 na pabor at wala namang tutol ay inaprubahan ang mosyon para sa approval ng committee report.

Ibabalik naman sa Office of the Secretary General ang inaprubahang committee report at resolusyon at saka ito i-a-adopt o pagtitibayin sa plenaryo ng Kamara, base sa rules ng impeachment.


Pero dahil naka-recess na ngayon ang Kongreso ay baka sa July 26, 2021 o pagbabalik-sesyon na ito mangyari.

Matatandaan naman na noong May 27 ay dinismiss o ibinasura ang naturang reklamong impeachment sa botong 44-pabor, wala namang pagtutol habang 2 kongresista ang nag-inhibit sa pagdinig.

Ibinasura ang reklamo ng pagpapatalsik kay Leonen dahil sa kawalan ng complainant na si Edwin Cordevilla ng “personal knowledge” at wala ring authentic records na maiprisinta kaya’t dinesisyunan ng komite na walang sapat na porma at substance ang impeachment complaint.

Facebook Comments