Committee report ng Senate Blue Ribbon sa overpriced laptops ng DepEd, aprubado na sa plenaryo ng Senado

Inaprubahan na sa plenaryo ang committee report ng Blue Ribbon patungkol sa umano’y overpriced at outdated na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Kabilang sa mga rekomendasyon ng Committee Report No. 19 ang pagsasampa ng kasong katiwalian, perjury, grave misconduct, at iba pang kasong administratibo laban sa ilang dati at kasalukuyang opisyal ng DepEd at PS-DBM.

Nakitaan ng Blue Ribbon ng iregularidad ang pagbili ng laptops para sa mga guro kung saan overpriced ito ng P979 million.


Matapos ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee, inirekomenda rin ni Tolentino na buwagin na ang PS-DBM at higpitan ang kwalipikasyon ng mga pwedeng sumali sa bidding ng gobyerno.

Isasama sa Committee Report No. 19 ang dagdag na report galing sa minority bloc.

Bumoto naman ng “no” si Senador Jinggoy Estrada sa nasabing committee report.

Facebook Comments