Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, pinako-contempt sa Korte Suprema

Dumulog sa Korte Suprema si Atty. Ferdinand Topacio para hilingin na mapatawan ng contempt si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon dahil sa mga post nito sa social media kaugnay ng disbarment case laban sa kanya.

Iginiit ni Topacio na nilabag ni Guanzon ang panuntunan sa “confidentiality” ng inihain nitong disbarment case laban sa kanya matapos itong magpost sa twitter ng mga detalye ng naturang reklamo.

Naniniwala si Topacio na nasira na ang kanyang reputasyon sa ginawa ni Guanzon gayong hindi pa naman aniya natutukoy ng Supreme Court kung may basehan ang inihain nitong disbarment case.


Una nang naghain ng disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines si Guanzon noong June 10, 2022 laban kay Topacio dahil sa aniya’y mga mapanirang pahayag nito laban sa kanya at sa paglabag nito sa Code of Professional Responsibility.

Facebook Comments