MANILA – Aprubado na ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang committee report ng House Bill 18 o ang dagdag na 2,000 libong pisong SSS pension.Sa ilalim ng panukala ay makakatanggap na ng P3,200 na pensyon ang mga kasalukuyang nakakatanggap ng P1,200 pension habang P4,000 naman ang matatanggap ng mga kasalukuyang may pension na P2,400.Ayon sa Chairman ng komite na si Rep. Jesus Sacdalan, nakausap nila ang mga opisyal ng SSS sa isang executive session kung saan nakahanap sila ng paraan kung saan i-invest ang pera ng ahensiya upang mapahaba ang buhay ng pondo nito kahit magbigay ng dagdag pension.Isa umano sa paraang ito ay ang i-invest ang SSS funds sa PPP projects.Sinabi naman ni SSS Chairman Amado Valdez, tanggap ng SSS ang concern ng kongreso na tulungan ang working class sa pamamagitan ng dagdag pension.Iginiit naman ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na tuluyang aprubahan at isakatuparan na sana ng kongreso ang pagpapatibay ng SSS pension hike bill.
Committee Report Sa Dagdag Na 2K Sss Pension, Aprubado Na
Facebook Comments