Umabot na ngayon sa 210, 109 ang mga indibibwal na naitalang lumabag sa umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay ito sa datos na inilabas ng Joint Task Force (JTF) COVID Shield mula nang magsimula ang community quarantine noong March 17 hanggang June 29, 2020 o sa loob ng 105 days.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. General Guillermo Eleazar, sa bilang na mga naitalang lumabag sa community quarantine, 112, 373 ay binigyan lang ng warning, 33, 362 ay pinagmulta, habang 66, 916 ay naaresto.
Sa mga naaresto, halos 3000 ay nakakulong pa rin.
Samantala, umabot na rin sa 885 ang mga indibidwal na naaresto dahil sa pagtatago at pagbebenta ng mga overpriced medical supplies.
16, 045 naman ang nahuling Public Utility Vehicles (PUVs) dahil sa bumiyahe kahit ipinagbabawal.
Sa ngayon ay patuloy na monimonitor ng JTF COVID Shield ang mga lumalabag, habang mahigpit na ipinatutupad ang mga quarantine protocols.