NTC, naglabas ng alias cease and desist order para naman sa Channel 43 na nag-eere ng palabas ng ABS-CBN

Naglabas ng alias cease and desist order ang National Telecomunications Commission (NTC) para patigilin din ang Channel 43 na pag-aari ng AMCARA broadcasting na subsidiary ng ABS-CBN.

Base sa kautusan, ipinatitigil na rin kahit ang digital TV transmission sa Metro Manila gamit ang Channel 43.

Sa Channel 43, isinasagawa ang digital simulcast ng mga programa ng analog TV ng ABS-CBN.


Una nang pinuna sa pagdinig ng House Committee on Franchises ang patuloy na pag-eere ng mga programa ng network kahit napaso na ang prangkisa nito.

Facebook Comments