Panahon na para i-take over ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga common purpose facilities ng dalawang water concessionaires kasunod ng nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig sa Mega Metro Manila.
Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera-Dy na sa ngayon kasi, hinahayaan ng MWSS ang Manila Water at Maynilad na mag-usap.
Ito ang nakitang solusyon ng ahensya upang maiwasan ang turuan ng Manila Water at Maynilad sa lamangan sa kontrol ng bypass gate para mapadaan ang tubig galing ng Angat dam.
Ayon kay Bernadette Herrera Dy, hindi sana naranasan ang kakulangan sa tubig kung pinapayagan ng dalawang water concessionaires na mapadaloy ang tubig.
Aniya, kakayanin naman sana na mapadaloy ang tubig galing ng Angat Dam nang hindi dumadaan sa La Mesa Dam.
Ito ay kung gagamitin ang bigti to balara gamit ang bypass gate.
Gayunman, hindi ito ginagawa ng dalawang water concessionaires.
Malinaw aniya sa concession agreement ng dalawang water utilities na hindi dapat maudlot ang tuloy-tuloy na serbisyo sa tubig dahil ang kabiguan na gawin ito ay katumbas ng pagtanggal sa kanilang prangkisa.