Commonwealth shootout, isang misencounter – NCRPO

126

Naniniwala ang National Capital Region Police (NCRPO) na ang nangyaring shootout sa Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ay misencounter lamang.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Vicente Danao Jr. na mayroong lehitimong anti-illegal drugs operations ang Quezon City Police District Special Operations Unit (QCPD-SOU) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Inaalam na kung sino dapat ang magsasagawa ng buy-bust at kung sino ang target ng operasyon.

Una nang iginiit ng PDEA at ng QCPD na mayroon silang proper documents para patunayang lehitimo ang kanilang buy-bust operation.

Facebook Comments