Healthcare workers, malayang piliin ang Sinovac vaccines – FDA

31

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na may opsyon ang mga healthcare workers na magpabakuna gamit ang COVID-19 vaccine ng Sinovac Biotech.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, hindi nila ipinagbabawal sa mga health workers na gamitin ang Sinovac vaccines.


Aniya, gumawa lamang sila ng rekomendasyon kung anong population group akma ang mga bakuna.

Bago ito, ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Domingo para ipaliwanag kung bakit hindi inirerekomenda ang Sinovac para sa healthcare workers kahit pumasok ito sa 50% efficacy threshold ng World Health Organization.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naguguluhan ang Pangulo lalo na at ginagamit naman ang Sinovac vaccines sa mga health workers sa ibang bansa.

Pero nilinaw ni Roque na iginagalang ng Pangulo ang desisyon ng FDA hinggil sa paggamit ng Sinovac vaccines sa bansa.



Matatandaang inanunsyo ng FDA na ang efficacy rate ng Sinovac vaccines ay nasa 50.4% at maaaring gamitin ng mga healthy person na may edad 18 hanggang 59 taong gulang.


Sa datos naman ng Sinovac Biotech ang efficacy rate ng kanilang bakuna sa non-healthcare workers ay nasa 65 hanggang 91%.

Facebook Comments