Communial Toilet at Pump Well, Ipinagkaloob sa 28 Pamilya sa City of Ilagan

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay sa 28 pamilya o 98 indibidwal ang Communal Toilet at Pump Well sa Sitio Lagis, Sindun Bayabo, City of Ilagan mula sa Police Regional Office 2.

Ito ay bahagi ng programang PRO2 Lingkod Bayanihan (Barangayanihan Program) ng pulisya na tulungan ang mga tinatawag na nasa laylayan ng lipunan.

Ayon kay PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves, ang kanilang presensya ay pagpapakita lamang na abot ng mga residente ang serbisyo ng gobyerno at kapulisan.


Giit pa ni Nieves, tuloy-tuloy ang pagpapaigting sa peace and order campaign ng pamahalaan para sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) dahil naniniwala ang opisyal na ang progresibong komunidad ay mula sa mapayapang bayan.

Ipinunto rin ng heneral na ang ilan pang programa para sa naturang lugar.

Nagkaroon rin ng distribusyon sa food packs pagkatapos ng seremonya.

Pinangunahan rin ni PBGen. Nieves ang tree planting activity sa nasabing barangay.

Facebook Comments