Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na maglatag ng communications plan para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang pahayag ng Bise Presidente matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna.
Sa programang Biserbisyong Lenis a RMN Manila, sinabi ni Robredo na dapat maipaalam sa publiko ang mga benepisyong makukuha sa pagpapabakuna.
Ang mga isyu sa Dengvaxia at iba pa ang dahilan kung bakit nadudungisan ang imahe at mahina ang tiwala ng publiko sa COVID-19 immunization program.
Binigyang-diin ni Robredo na kailangang patunayan ng mga lider na hindi dapat katakutan ang mga bakuna.
Hinimok din ng Bise Presidente ang mga pribadong kumpanya na mag-invest sa pagpapabakuna sa kanilang mga empleyado.