Communist leaders, kumikita ng bilyon dahil sa malawakang extortion – Duterte

Bilyun-bilyong piso ang kinikita ng mga lider ng local communist rebel group mula sa pangingikil o extortion sa mga negosyo, lalo na sa mga malls sa Maynila.

Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagiging talamak ang rebel taxation sa bansa.

May ilang negosyo ang walang magawa kundi magbayad sa mga rebeldeng komunista dahil kung hindi ay pasasabugin sila ng mga ito.


Dagdag pa ng Pangulo, nagpapakayaman ang mga communist leaders habang naghihirap at iniiwan ang kanilang mga armadong grupo.

Kaya muling kinokondena ni Pangulong Duterte ang lahat ng sinirang pamilya at ari-arian ng mga rebeldeng grupo sa nakalipas na limang dekada.

Facebook Comments