Communist Party of the Philippines, hindi magdedeklara ng tigil-putukan laban sa pamahalaan

Hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang Communist Party of the Philippines (CPP) laban sa pamahalaan ngayong holiday season.

Ito ang kanilang tugon kasunod ng hindi pagdedeklara ng holiday ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa CPP, binalewala ng Pangulo ang tigil-putukan at sa halip ay ipinag-utos pa ang maigting na operasyon laban sa kanila kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa.


Tiniyak naman ng CPP na handa ang kanilang hanay sa mga posibleng pag-atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Matatandaang una nang nilinaw ng Malakanyang na hindi papayag ang gobyerno sa localized ceasefire aggreement sa pagitan ng mga otoridad at rebelde, na kadalasang isinusulong ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments