Burol sa mga bahay sa Quezon City, hindi pa rin pinapayagan ng LGU

Nagpaalala ang Quezon City government na ipinagbabawal pa rin sa lungsod ang burol ng patay sa mga bahay at dapat gawin lamang ito sa mga funeral parlors.

Ito’y dahil sa nananatili pa ring banta sa lungsod ang Coronavirus.

Nagpaalala sa publiko si Barangay Community Relations Department Head Ricky Corpuz matapos mabatid na pinapayagan na ng ilang barangay ang burol sa bahay.


Paliwanag ni Corpuz, nananatili pa ring epektibo ang ordinansa ng Local Government Unit (LGU) na nagbabawal dito upang maiwasan ang mass gatherings at pagkalat ng virus.

Nagbabala na rin si Mayor Joy Belmonte sa mga barangay officials at mga punerarya na pananagutin sila kapag nilabag ang ordinansa.

Facebook Comments