Communist Party of the Philippines, nakatakdang magdeklara ng unilateral ceasefire para bigyang daan ang ika-apat na round ng peace talks

Manila, Philippines – Nakatakdang maghayag ang Communist Party of the Philippines ng Unilateral Declaration of Interim Ceasefire bago matapos ang buwan ng Marso.

 

Ito ay para bigyang daan ang ika-apat na round ng peace talks sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at gobyerno na isasagawa sa Abril 2 hanggang 6 sa The Netherlands.

 

Ang pahayag ng CPP ay kasunod ng pag-anunsyo ng New People’s Army na pakakawalan nila ang dalawang prisoners of war sa Mati, Davao Oriental.

 

Umaasa naman ang CPP na magdedeklara rin ang pamahalaan ng unilateral ceasefire bilang bahagi ng back channeling talks noong March 10 hanggang 11.

 

Kasabay nito, hinimok din ng cpp ang administrasyong Duterte na ipag-utos sa Armed Forces of the Philippines na maghinay-hinay sa isinasagawang all-out offensive military operations at aerial bombing at shelling campaigns sa mga liblib na barangay para maging paborable ang isasagawang mutual ceasefire.



Facebook Comments