COMMUNITY BASED MOBILE BLOOD DONATION PARA SA BAYAN NG MANGATAREM, ISASAGAWA

Magsasagawa ang Local Government Unit ng Mangatarem ng 2-Day Community Based Blood Donation Drive sa kanilang bayan.
Isasagawa ito sa pakikipagtulungan ng Department of Laboratory Region 1 Medical Center (R1MC): National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) at Provincial Health Office (PHO).
Ang Bloodletting Project na ito ay isa sa programa kada taon ng LGU Mangatarem kasama ang Rural Health Unit (RHU).

Naglalayon ang proyektong ito na makatulong sa mga nag magailangang kababayan ng Mangatarem na pinaka-prayoridad ng lokal na pamahalaan.
Sa December 16, 2022, alas syete ng umaga ang unang araw ng schedule ng bloodletting project at present ang Depart of Laboratory R1MC: NVBSP at sa December 22, 2022, alas syete trenta ng umaga ang pangalawang schedule at present naman sa araw na iyon ang Provincial Health Office (PHO).
Gaganapin ang bloodletting project na ito sa Shahani Sports Complex sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments