
Muling umarangkada ang Community Feeding Program sa mga barangay ng Quintong at Tandoc noong ika-3 ng Marso sa San Carlos City, sa pamamagitan ng Meals on Wheels Truck na naghatid ng mainit at masustansyang pagkain sa mga residente.
Sa pangunguna ng pamahalaang lungsod at sa pakikipagtulungan ng City Nutrition Council, matagumpay na naipamahagi ang mga pagkaing may sapat na nutrisyon upang makatulong sa pagpapalakas ng pangangatawan ng mga benepisyaryo, lalo na ang mga higit na nangangailangan ng dagdag na sustansya.
Layunin ng programang ito na mapabuti ang kalagayang nutrisyon ng komunidad at maiangat ang kamalayan sa kahalagahan ng wastong pagkain. Sa bawat paghahatid ng Meals on Wheels, hindi lamang pagkain ang naibibigay kundi pati malasakit at suporta para sa mas malusog na pamayanan.
Patuloy ang pagsisikap ng lungsod na maabot ang iba’t ibang barangay sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










