Community pantry, muling binuhay ng Korte Suprema kasabay ng kanilang anibersaryo

Muling binuhay ng Korte Suprema ang kanilang “community pantry” kung saan iba’t ibang gulay ang ipinamahagi sa kanilang mga kawani.

Ito ay parte ng padiriwang ng Korte Suprema ng kanilang ika-121 anibersaryo sa June 11.

Batay sa Supreme Court Public Information Office, sa tinatawag na “One Community” community pantry na pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo at mga mahistrado, ang mga gulay ay libreng ibinigay sa mga court personnel.


Ayon naman kay Deputy Clerk of Court at Chief Administrative Officer Atty. Maria Carina Cunanan, ang mga gulay ay nagmula pa sa mga magsasaka mula sa Baguio City at Nueva Ecija, bilang tulong na rin sa kanilang kabuhayan.

Ang community pantry ngayong taon ay unang anibersaryo rin ng “Kalinga Weeks Project” na sinimulan ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Noong nakalipas na taon, naglunsad ang Korte Suprema ang community pantry, kung saan ang mga gulay at iba pang produkto ay ipinamahagi sa ilang community pantries na sumulpot sa Metro Manila sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Samantala, magkakaroon naman ng misa sa compound ng Korte Suprema ngayong araw bilang bahagi pa rin ng anibersaryo nito.

Facebook Comments