Boluntaryong antigen testing sa mga pasahero ng MRT-3, walang nagpositibo

38

Kinumpirma ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 o MRT-3 na simula ika-28 ng Enero, 2022, walang anumang kasong naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa mga pasahero sa nagpapatuloy na libreng antigen testing sa sa mga istasyon ng linya.

Isinasagawa ang libreng Antigen testing sa mga boluntaryong pasahero sa mga istasyon ng North Avenue at Shaw Boulevard, tuwing ika-7:00 hanggang ika-8:00 ng umaga.

Habang sa mga istasyon ng Cubao at Shaw Boulevard, mula ika-4:00 hanggang ika-5:00 ng hapon na tatagal ito hanggang sa katapusan ngayong buwan.


Matatandaang inilunsad noong ika-11 ng Enero, 2022 ang libreng antigen testing ng pamunuan ng MRT-3, sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation (DOTr) upang mabantayan ang kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments