Community pantry, nakikitang magiging dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa isang eksperto

Nagbabala ang isang eksperto sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa mga nagsulputang community pantry.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, DOH Epidemiologist and Infectious Diseases Specialist, bagama’t makikitang maganda ang hangarin ng isang community pantry, maaaring maging dahilan ito ng pagdami ng kaso ng virus sa bansa.

Dagdag pa nito, dapat ding limitahan ng mga organizer ang mga taong pipila upang maiwasan ang siksikan.


Sa ngayon, nanawagan si Tayag na magpa-test ang sinomang makararanas ng sintomas ng sakit.

Facebook Comments