Community pantry, sinimulan na rin sa Occidental Mindoro

Sumunod na rin ang Occidental Mindoro sa pagkakaroon ng sarili nitong bersyon ng community pantry.

Mga goods tulad ng gulay, bigas, delata, noodles, isda at iba pang agricultural products ang libreng ipinamimigay ng ‘Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan’ o KNL sa Brgy. Poblacion II, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Samantala bukod sa pantry, ngayong araw ay sisimulan na rin nila ang “on wheels” para mas malayo at marami ang matulungan na mga residente.


Facebook Comments