Sekyu na Nahuling Nire-record ang Pagtatalik sa Entertainer, Bagsak sa Kulungan

Cauayan City, Isabela- Swak sa kulungan ang isang security guard matapos ireklamo ng nakuhang entertainer at magwala’t pumalag sa mga pulis sa isang hotel na matatagpuan sa barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Raymund Calingcaling, 25 taong gulang, walang asawa, security guard, at residente ng brgy. Turod, Reina Mercedes, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakatanggap ng tawag ang Cauayan City Police Station na mayroong nagwawala sa loob ng kanilang hotel na agad namang tinugunan ng pulisya.


Nang makarating sa hotel ang mga rumespondeng pulis ay nakita sa labas ng kwarto ang nagwawalang suspek at pinagmumura ang mga pulis.

Ipinakita pa ng suspek ang kanyang ‘middle finger’ sa mga pulis na lalong nag-udyok sa tropa para dakpin ang suspek.

Unang pumalag ang suspek nang siya ay arestuhin subalit matagumpay siyang nahuli ng mga pulis.

Una rito, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 8:40 kagabi nang ilabas ng suspek sa pinagtatrabahuang bar ang biktima na itinago sa pangalang ‘Jane’ at nagcheck-in sa isang hotel sa brgy Tagaran.

Habang nagtatalik ang biktima at suspek ay napansin ng babae na nirerecord ng suspek ang kanilang ginagawa dahilan upang sitahin ng biktima.

Nairita umano ang suspek kaya’t hinawakan nito sa leeg ang biktima dahilan naman upang pumalag at nagkulong sa CR ang biktima.

Pilit umanong binubuksan ng suspek ang pintuan ng CR kaya’t sumigaw at humingi na ng tulong ang biktima.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong Alarm and Scandal, Physical Injury and Resistance and Disobedience upon an Agent of Person in Authority.

Facebook Comments