“Community Plant Tree”, inilunsad sa Quezon City

Naglungsad ng “Community Plant Tree” ang ilang environmental groups sa Quezon City.

Ayon kay Jake Tabara, miyembro ng Aksyon Verde, 100 native na puno ang itinanim nila sa gilid ng Marikina River sa bahagi ng Barangay Old Balara tulad ng Banaba, Ipil-ipil at Narra.

Kapag lumaki na ang mga puno ay magsisilbing itong flood barrier sakaling umapaw ang tubig sa ilog sa panahon ng tag-ulan.


Kasabay nito ay inilunsad din ng grupo ang “community garden” sa lugar kung saan tinuruan ang mga residente na gumawa ng sariling pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay.

Aabot sa isang ektaryang lupain ang ipinahiram ng isang pribadong kompanya para pagtaniman ng mga puno at gulay sa nasabing barangay.

Facebook Comments