Mga BHW, maaaring i-train bilang vaccinators – Robredo

72

Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na magsanay ng mas maraming vaccinators.

Ito ay para mapabilis ang vaccine rollout sa bansa at maabot ang target na population protection.


Ayon sa Bise Presidente, habang hinihintay ang pagdating ng mas maraming bulto ng COVID-19 vaccines, dapat na mag-train ng mga posibleng vaccinators gaya ng mga Barangay Health Workers (BHW).

Aniya, talagang matatagalan kung iaasa lamang sa mga doktor at nurse ang pagbabakuna.

“Last year, yun na yung sinasabi ko na habang wala pang bakuna, dapat sana nagte-train na tayo. Ngayon, pwede pa rin natin yung gawin e. Pwede pa rin tayong maghabol. Kasi kung aasa lang tayo sa mga doktor at nurses na sobra na nga yung kanilang ginagawa sa mga ospital, matatagalan talaga.”

Facebook Comments