Mahigpit na ipinapatupad ng Inter Agency Task Force on Covid-19 ng Cotabato City na pinamumunuan ni V-Mayor Graham Nasser Dumama ang mga panuntunan sa gitna ng pagpapatupad ng community quarantine sa syudad.
Ayon kay Cotabato City Public Safety Officer Rollen Balquin, sa kanilang pag-iikot kahapon ay may mga nahuli silang namimeke ng quarantine pass sa pamamagitan ng pagpapa-photo copy nito.
Anya ang naturang mga indibidwal ay sasampahan ng kaukulang kaso at nakapiit na sa Police Station 2.
Ang quarantine pass ay ibinibigay sa bawat kinatawan ng mga sambahayan sa lungsod, dapat ay dala-dala nila ito kung lalabas ng bahay upang bumili ng supplies.
Ito ay ginagawa upang maiwasan ang paglabas ng bahay o paggala ng maraming tao sa lungsod gayong nasa ilalim ito ng community quarantine.
Mariin ring ipinagbabawala ang pagkumpulan ng mga tao kung kayat ipinasara pansamatala ang mga Bilyaran, Computer Shop, maging ang mga BasketBall Court sa syudad.
Mariin namang ipinapatupad ang Curfew sa buong syudad mula alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Patuloy pa rin ang paalala ng Task Force at LGU sa publiko na manatili sa mga tahanan kasabay ng lumalalang kaso ng COVID sa bansa.
Community Quarantine nagpapatuloy sa Cotabato City, ilang pasaway nasampulan!
Facebook Comments