Community Transmission, Naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 103 katao ang community transmission ng COVID-19 sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Department of Health pasado alas-4:00 ng hapon, September 7, 2020.

Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal, hindi na matukoy ng ahensya ang pinagmulan ng pagkahawa ng mga pasyente sa virus kung kaya’t isinailalim nila sa kategorya ng community transmission at hindi sa local transmission ang nasabing bayan.


Maliban dito, nakapagtala naman ng local transmission ang lungsod ng cauayan na may 13 ang nagkahawaan na sinundan ng iba pang bayan ng Naguilian, Alicia, Cabatuan at City of Ilagan.

Batay naman sa workplace transmission, may pinakamataas pa rin na bilang ang Tuguegarao City Police Station na pumalo sa 58 ang cases linked na sinundan ng isang fitness gym sa Nueva Vizcaya na may 18 cases linked.

Samantala, naitala ang pang-labing dalawang mortality case sa Lungsod ng Tuguegarao.

Sa ngayon ay nasa 976 confirmed cases na ang naitala sa buong rehiyon habang 348 ang nananatiling aktibo.

Facebook Comments