Posibleng makitaan na ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, isa hanggang dalawang linggo simula ngayon.
Ito ang babala ng OCTA Research Group matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) kahapon na nakapasok na sa bansa ang Omicron Variant na BA.2.12.
Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Rearch Team Dr. Guido David na batay sa mga pattern, may delay kasi ng isa hanggang dalawang linggo ang pagkalat ng virus matapos itong ma-detect.
Kaya posible aniya na sa kalagitnaan ng Mayo ay magkaroon na ng community transmission ng COVID-19 dahil sa BA.2.12 variant.
Sa pagtataya ng OCTA, posibleng pumalo sa 800 hanggang 1,000 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa susunod na linggo.
Facebook Comments