Baguio City Mayor Magalong, nag-sorry kay Jillian Robredo

202

Humingi ng paumanhin si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kay Jillian Robredo, ang bunsong anak ni Vice President Leni Robredo.

Kasunod ito ng nag-viral ng video kung saan makikita na sinigawan si Jillian ng isang babae na umano’y nainis matapos na magdulot ng pagsisikip sa Baguio City Public Market ang ginagawa nilang face-to-face campaign.

Ayon kay Magalong, ikinalulungkot niya na nangyari ang insidente na aniya’y isolated case lamang.


Aniya, hindi kailanman naging pamantayan ng mga taga-Baguio ang kabastusan.

Nabatid na nagsasagawa ng house-to-house campaign ang mga anak ni Robredo partikular sa mga lugar na hindi kilalang sumusuporta sa kandidatura ng bise presidente.

Facebook Comments