Inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na mayroon nang community transmission ng Delta Variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at Region IV-A (Calabarzon).
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagdedeklara ng community transmission ng Delta variant ay isang desisyon na napagkasunduan na ngunit kinakailangan pa rin ng sapat na ebidensiya.
Dagdag ni Vergeire, “linkage” ang kinakailangang matukoy upang masabi kung may community transmission na ng Delta variant.
Ngunit dahil sa nasabing desisyon, aniya mas maiging matutukan ang transmission na ito kada rehiyon at hindi sa kabuuang bilang.
Sinabi din ni Vergeire na ibinase nila ang sinasabing community transmission sa NCR at Region IV-A sa mga samples na nasusuri.
Dagdag pa niya, lahat ng identified close contact ng unang kaso ng Lambda variant sa bansa ay negatibo sa COVID-19 at hanggang ngayon ay isa pa rin ang kaso ng Lambda sa bansa.