Community transmission ng Delta variant sa Cebu City, kinumpirma ng DOH

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Region 7 pathologist, Dr. Mary Jean Loreche na mayroon ng community transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Loreche na sa 123 samples na kanilang nakolekta sa mga nagpositibo sa COVID-19 at naisumite sa Philippine Genome Center, mayroong 36 sa mga ito ang nagpositibo sa Delta variant.

Gayunpaman, ikinokonsidera silang asymptomatic at fully recovered na.


Ayon pa kay Loreche, base sa mga nakukuha nilang datus sa mga nagpositibo sa Delta variant, wala namang history ang mga ito na galing sila sa ibang bansa na may mataas na kaso ng Delta variant.

Wala rin aniyang kontak ang mga ito sa mga kumpirmadong positibo sa Delta variant at hindi rin naman sila mga Overseas Filipino Worker (OFW) o Returning Filipinos.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Loreche na kaya marahil mabilis ang pagkalat ng COVID-19 sa Cebu City ay dahil nagkaroon na ng COVID fatigue ang mga tao mula sa 11 buwan nilang pagkakasa-ilalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Facebook Comments