Community Trials ng virgin coconut oil, natapos na – DOST

136

Nakumpleto na ang isa sa trials ng virgin coconut oil (VCO) bilang gamot para sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, ang resulta ng community trial para sa VCO ay kasalukuyang nire-review.


Ang partikular na trial na natapos ay ang isinasagawa sa komunidad sa Laguna.

Pero sinabi ni Montoya na nagpapatuloy pa ang isa pang trial sa ospital para sa mga moderate cases ng COVID-19 na nangangailangan ng hospitalization.

Samantala, ang clinical trials para sa melatonin bilang supplementary treatment para sa COVID-19 ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments