Manila, Philippines – Duda ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na gawing fixed ang sahod ng mga drivers at konduktor ng public utility buses na may kondisyon pang plus incentives.
Ayon kay LCSP Founding President Atty. Ariel Inton, mawawalan lang ng saysay ito dahil hahabulin pa rin ng mga drivers at konduktor ang insentibo para kumita ng malaki kahit na mayroon nang fixed na sweldo.
Hinamon ng commuters group ang DOLE kung isusulong nito ang fixed salary alisin na ang combination ng fixed plus incentives sa halip ay bigyan na ng sapat na sahod na katanggap-tanggap sa kanila.
Sa pagbalangkas ng polisiya sa transport hindi lang paghihigpit ng regulasyon ang dapat tingnan.
Mahalagang aspeto rin aniya ang ekonomiya dahil kabuhayan ang transport sa Pilipinas.
Una nang naglabas ng kautusan ang DOLE na gawing fixed ang sahod plus incentives para sa mga driver at konduktor upang matuldukan ang boundary system o commission based on ridership ang suweldo ng mga ito.