Buksan na ang iba pang ruta para sa mga mananakay!
Ito ang panawagan ngayon ng Lawyers for Commuters Safety and Protection sa Inter-Agency Task Force kasunod ng pagpayag na itaas na ang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Lawyers for Commuters Safety and Protection President Atty. Ariel Inton na tila isang panuntunan na lang para sa panghuhuli ang desisyong itaas sa 70% ang capacity sa mga PUVs.
Giit ni Inton, kahit noong nasa 50% pa lang ang capacity sa mga pampublikong sasakyan ay nagsisiksikan na ang mga pasahero.
Kaya naman panukala nito sa IATF, imbes na itaas ang kapasidad ay mas mabuting dagdagan ang mga masasakyan ng mga commuter sa pamamagitan ng pagbubukas sa iba pang ruta sa bansa.
Facebook Comments