Compassionate special permit ng Bexovid, aprubado na ng FDA

94

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Department of Health (DOH) para sa compassionate special permit ng Bexovid.

Ang Bexovid ay ang kauna-unahang generic version ng anti-COVID-19 pill na Paxlovid na gawa ng Pfizer.

Mayroon itong generic name na nirmatrelvir at ritonavir.


Ayon kay FDA Director General Dr. Oscar Gutierrez, ang mas murang anti-viral drug ay ipamamahagi sa mga government hospital.

Sinasabing 89% na nababawasan ng gamot ang tiyansang maospital ang isang COVID-19 positive kung ipaiinom ito sa loob ng tatlong araw mula nang maramaman ang sintomas ng sakit.

Facebook Comments