Compassionate special Vaccine Permit, maaaring i-isyu ng FDA

Maaaring maglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng compassionate special permit para sa mga grupong nais mag-avail ng COVID-19 vaccines kahit walang emergency use authorization.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang special permits ay maaaring ibigay sa mga maliliit na grupo o para sa maliliit na bilang lamang ng bakuna.

Sinabi ni Domingo na pwedeng ibigay ang permit lalo na at isinasagawa ang pagpapabakuna sa mga ospital at mga doktor lamang nag pwedeng magsagawa nito.


Una nang sinabi ng FDA na ang hindi awtorisadong paggamit ng COVID-19 vaccine ay ilegal.

Facebook Comments