Mga airport personnel na pinalulusot ang mga pasahero, sisibakin ni Pangulong Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang mga airport personnel na hinahayaan ang mga biyaherong makapasok sa Pilipinas sa gitna ng mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 protocols.

Sa kanyang “Talk to the Nation Address,” sinabi ni Pangulong Duterte na magkakaroon muli ng sibakan.

Bagama’t hindi niya tinukoy ang mga opisyal na sangkot, sinabi ng Pangulo na papalitan niya ang mga opisyal na bigong isailalim ang mga banyagang biyahero sa quarantine.


Noong Disyembre, isinapubliko ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga immigration officials na dawit sa “Pastillas” bribery scheme kung saan pinapalusot ang mga Chinese tourist sa bansa.

Sinabi ng Pangulo, na laganap ang modus na ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan halos lahat ng immigration officials ay nasusuhulan.

Facebook Comments