Compensation sa Meralco, maaari pa ring igiit ng publiko ayon sa isang kongresista

Iginiit ng isang kongresista na maaaring humingi ng kabayaran ang mga customers ng Meralco na lubhang nahirapan sa “bill shock” na siningil ng kumpanya sa kasagsagan ng mahigpit na community quarantine.

Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera, maaaring ituloy ng mga Meralco customer ang paghingi ng kumpensasyon sa idinulot na mahal na singil sa kuryente.

Hindi aniya maitatanggi na ang “bill shock” ay nagresulta sa stress at anxiety ng mga tao na pilit na iginagapang ang buhay sa araw-araw sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Naniniwala ang lady solon na may karapatan ang publiko sa kompensasyon lalo na ang mga nakaranas ng matinding abala at kagipitan.

Punto pa ng mambabatas, ang P19 million na multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco ay napakaliit lamang na parusa kaya nararapat na ibalik ng kumpanya ang dagdag na kabayaran sa mga naabalang costumer.

Facebook Comments