Nagbababala si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa publiko na maging ‘vigilant’ sa gagawing competitive selection process upang mabantayan ang ‘power rate increase’ na maaaring pasanin ng mga konsyumer sa loob ng 20 taon.
Kasabay nito ay hiniling ng Bayan Muna sa Department of Energy na mamagitan at isantabi ang ‘one sided bidding terms’ ng Meralco.
Sa pamamagitan nito, tiyak na maraming makakalahok na ‘bidders’ na makapag-aalok ng mababang halaga o abot-kayang halaga ng enerhiya.
Aniya, nagsagawa ng tatlong bidding o CSPs ang Meralco.
Pero, ang problema sa ikatlong ‘bid’ para sa 1,200 megawatts 20year contract ay ang Meralco’s Atimonan I lamang ang nakapagsumite dahil sa mga napaka-imposibleng mga ipinataw na kondisyon sa ibang ‘bidders.’
Idinagdag pa ng Bayan Muna chairman na hindi dapat magbulag-bulagan ang publiko at hayaan na lamang ang CSPs na papabor sa Atimonan 1, at maging ‘hostage’ ang mga konsyumer sa mataas na bayarin sa enerhiya sa loob ng dalawang dekada.