Competitiveness ng bansa sa World Ranking in Ease of Doing Business, dahil umano sa mga ipinapatupad na reporma

Naniniwala si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na reporma sa ekonomiya ang dahilan ng malaking pag-angat ng Pilipinas sa Ease of Doing Business Survey ng World Bank.

Mula sa lowest 35%, ay tumaas sa top 50% ang competetiveness ranking ng bansa.

Ayon kay Salceda, bunga ito ng mga reporma na sinamahan ng political will at nagkakaisang Administrasyon.


Malaking papel ng pagangat ng ranking ng bansa ang naisabatas na RA 11032 o ang Ease of Doing Buisness at ang full Activation ng ARTA o ang Anti-Red Tape Authority na nagawang resolbahin ang kalahati sa mga naihaing reklamo.

Target din aniya ni Pangulong Duterte na itaas pa sa top 20% ang ekonomiya ng bansa sa Ease of Doing Business Report ng World Bank.

Ngunit aminado si Salceda na magiging hadlang dito ang economic provisions sa Saligang Batas na naghihigpit sa pagpasok ng mga mamumuhunan lalo na ang Foreign Investment sa bansa.

Facebook Comments