Compliance sa building code ng public buildings at major infrastructure, pinapa-review ng isang senador

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Nancy Binay ang kahalagahan na mabusisi kung mahigpit na sumusunod sa building code ang mga major infrastructure at iba pang pampublikong istruktura upang matiyak na matatag ito laban sa lindol at iba pang sakuna.

Ang mungkahi ni Binay ay makaraang magtamo ng pinsala sa  naganap na lindol ang ilang mga gusali pati ang Clark International Airport.

Para kay Binay, hindi ito katanggap-tanggap, dahil ayon sa batas, hindi dapat matinag sa lindol na hanggang magnitude 8 to 9 ang mga gusali at imprasktraktura sa bansa.


Ayon kay Binay, kailangan ng sagot kung bakit nagkaroon ng malaking pinasala ang na mga gusali lalo na ang paliparan samantalang hindi naman major earthquake ang nangyari.

Diin pa ni Binay, hindi rin dapat magdalawang-isip ang pamahalaan na ipasara ang mga gusaling hindi sumusunod sa building code.

Facebook Comments