Composite sketch ng suspek sa pagkamatay ng 16-anyos na estudyante sa Quezon City, inilabas na

Quezon City – Inilabas na ng Quezon City Police District ang composite face illustration ng suspek na nakapatay sa 16 anyos na estudyante na si Aldrin Raman Jore sa Commonwealth.

Tinatayang nasa 30 anyos ang suspek, kayumanggi at may taas na 5’2.

Ibinatay ang sketch sa pahayag ng saksing humarap sa QCPD.


Matatandaang kalalabas lang noon ng biktima sa barber shop at habang naglalakad ay bigla na lang siyang binaril sa ulo at katawan ng isang lalaki.

Facebook Comments