Mga alkalde sa lalawigan ng Iloilo na dawit umano sa ilegal na droga, manunumpa sa PDP-Laban

Iloilo – Maaari nang maging miyembro ng PDP-Laban, ang mga alkalde sa lalawigan ng Iloilo na pinangalanan ng pangulo na kabilang sa narco-politicians.

Sinabi ni Governor Arthur Defensor na manunumpa sa PDP-Laban sina Mayor Mariano Malones, ng bayan ng maasin, Iloilo; Mayor Alex Centena ng Calinog, Iloilo at Mayor Segfred Betita ng Carles, Iloilo.

Ayon sa gobernador, nakatanggap siya ng opisyal ngunit verbal na komunikasyon mula kay House Speaker Pantaleon Alvarez na walang problema at maaring lumipat sa kanilang partido ang naturang mga alkalde.


Napag-alaman na polisa ng partido na hindi maaaring sumali sa PDP Laban ang mga politikong nadawit ang pangalan sa ilegal na droga.

Facebook Comments